Awit sa Luisita
by mirasol
About this track
#StopKillingFarmers | "Awit sa Luisita" Handog ng UP SINAGBAYAN ang isang awit na alay sa ika-20 na paggunita sa Hacienda Luisita massacre. Bitbit nitong sining ang pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng mga pinatay ng pasistang estado noong naganap ang Hacienda Luisita massacre at lahat ng rebolusyonaryong martir ng Gitnang Luzon na mapangahas na lumaban para sa tunay na reporma sa lupa, buhay man ang ialay! Hamon ito sa ating mga artista ng bayan na ilantad, at patuloy na alalahanin ang marahas na kasaysayang pilit na ibinabaon sa limot ng mga nagkasalang panginoong may lupa gaya ng Cojuangco-Aquino, at nagpapatuloy na pasistang rehimen ng estado. Sa pananatili ng mailap na hustisya sa mga biktima ng masaker, krusyal na gampanin ng mga artista ng bayan, at ng malawak na hanay ng masa ang walang katapusang paniningil sa mga may utang na dugo. HUSTISYA SA LAHAT NG BIKTIMA NG HACIENDA LUISITA MASSACRE! HACIENDA LUISITA, IPAMAHAGI SA MAGSASAKA! MAMAMAYAN NG GITNANG LUZON, TULOY-TULOY ANG REBOLUSYON ----------------- Para sa lyrics at chords: https://docs.google.com/.../1iKo3eO53XXVG2Og8kEkd.../edit... Ilan sa mga video clips ay mula sa dokumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo" ng Tudla Production: https://youtu.be/2JHvudP6DhU?feature=shared